May bago na ata siya. Araguy. Pero ramdam ko pa rin, kahit papaano, ako ang tama para sa’yo. Sa ngayon. Malay natin, hanggang bukas :) pasensya ka na sa mga katangahan ko. Di ko naman talaga sinasadyang mainis ka sakin. Sorry talaga kung wala kang nakikitang effort sakin. Hindi lang talaga eto ang panahon. Hindi ko naman pwedeng iwanan etong mga acads ko ng ganun ganun lang. Ayoko nang mag bagsak-bagsak. Kung pwede lang, edi sana iniwan ko na’to. Gusto kita puntahan ulit, ipapakita ko sa’yo na nagbago na ako, na hindi na ako gago pagdating sa pakikipag-interact sa personal. Sana may oras pa para mahabol ko ‘to. Na magkita ulit tayo. Kung mangyari yun, makikita mo na ang improved, ang mas mature, ang mas affectionate na ako. Hinding hindi ka mag sisisi. Yayakapin kita. Mahigpit na mahigpit. Di na kita papakawalan. Hindi ko alam kung bakit sobrang torpe ako, yan tuloy, disgrasya nung nagkita tayo. Kung pwede lang irewind yun eh, di sana binura ko na yun, bagong umpisa ulit. Hindi ko sinadyang paulit ulit na magtanong ng: “Kamusta ka na?”, “Nakakain ka na ba?”, “Musta ang araw mo?”, atbp., lalo na yung: “Nandyan ka pa ba?”, “Hala, nawala na siya.”, at yung pamatay na: “:(“. Kaytanga ko. Bullshit. Di ko lang talaga naiwasang isipin kung kamusta ka na diyan, lalo na at bumabagyo. Gusto ko lang makasiguro na ligtas ka. Hehe. Pero minsan din talaga, nagseselos ako, dahil sa mga iniisip ko. Baka may bago ka nang gusto. Na hindi na ako masyadong pabor para sa’yo. Nagseselos ako dahil alam ko, alam ng sarili ko, na mas mahal kita kesa sa pagmamahal nila sa’yo. Keeper ka, alam mo iyon. Matalino, maganda, masayang kausap. Lahat na. At ang pinaka dabest: mature ka :) Yun ang hinahanap ko sa isang babae. Na sana maturuan din nila ako magseryoso. Salamat, salamat talaga, dahil sa’yo, natututo na rin ako. Dati, nung nagustuhan ko si unang crush ko, ang saya saya ko. Hahaha. Pero di ako masyadong natuto. Hindi ko rin alam. Siguro dahil, ang tagal ko siyang nagustuhan, in denial pa rin ako, naniwala kasi ako sa mga chick-flick shits na yan, na kung sino yung nagtiis para mapansin, siya ang pipiliin sa huli. Hindi pala. Kung sino ang pinaka nag effort na kumilos at ipakita kung gaano niya kamahal yung tao, siya pala ang pipiliin, kaysa dun sa mokong na nagtitis at nagsayang ng halos isang dekada ng buhay niya. Wew. Hahaha. Nakakatawa ang dati kong sarili. Nakakalungkot nga lang din. Minahal ko rin naman talaga si unang crush. Nakita niya lang talaga na tangahin ako, paano kasi, lahat sila, sanay makita na nakangiti ako. Kaya hindi ko rin alam kung paano mag seryoso. Na kahit minsan, tumigil sa kakangiti at kakatawa. Na sabihin ang totoo kong nararamdaman, hindi yung puro tawa lang, yun pala inlab na inlab na. Tahimik lang din talaga ako. Tawa at ngiti lang talaga ang mga bukambibig ko, hindi tuloy ako marunong kumausap ng ibang tao. Tinuruan mo din ako kung paano maging consistent sa mga pinaggagagawa ko. Nung naka-get over ako kay unang crush, may dalawang babae rin naman akong nagustuhan. Pero, yung isa, may nauna sa akin, hindi ko na ipinaglaban. Sabi ko: “Tinamad ako”. Ewan, pero ganun ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako nagpakalalaki. Yung pangalawa naman, gusto ko rin, kaya lang, ang tahimik niya, naisip ko tuloy, hindi kami bagay. She deserves someone better. And me too. Kaya ayun nga, nagkataon na nakita kita, sa FB. Isang napaka-chupul na paraan kung paano mo makikita ang babaeng para sa’yo. Pero wala na tayong magagawa eh. Nakita kita <3 Hahaha :) Inlab talaga ako nung una kitang nakita. Ambilis no? Kaya nga ang inakala ko, chupul na crush lang ‘to, lilipas din ‘to. Pero nanaginip ako sayo pagkatapos kita makita. Napatanong tuloy ako. Bakit agad agad naman? Marami akong mga superultramegaduper crush jan, mas crush ko sila sa’yo (*Soo! Yoona! Dakota!), hahaha, pero hindi ko naman sila napanagingipan agad nung una ko silang nakita. Well, anw, I just took this as a sign from God. Na medyo mag ayos ayos na ako para makatagpo naman ako ng isang katulad mo. Pero sa totoo lang talaga, hindi ko rin masyadong pinagisipan yun, inisip ko lang, chupul na crush lang yung naramdaman ko. Tapos in-add mo ako. Gulat na gulat, hiyang-hiya ako sa sarili ko nun. Dapat ako na ang unang nag add sa’yo. Being man and all. Nasabi lang sa’yo ng tropa ko na gustong-gusto kita, pero hindi naman kita in-add, ikaw pa tuloy yung naunang magpakita ng interes. Epic fail ako nun -__-” Hindi naman kasi ako yung tipong pala-add ng mga babaeng chiks. Hindi rin naman kasi talaga ako naghahanap ng ganun. Ang gusto ko lang, makatagpo ako ng babaeng mamahalin ako, kung sino ako, at yung mamahalin ko ng sobra :) Hehehe. Ang landi ng term, pero ganun talaga ang plano ko. Pag may karelasyon ako, iingatan ko sila ng mabuti, kahit hanggang kailan, basta pag mahal ko parin sila, sila parin talaga, aalis nalang ako kung ayaw ko na. Ganun ako, hindi yung tipong mag hahanap pa ng iba, manloloko. Nandyan na ang nagpasaya sa akin ng sobra, babalik-balikan ko parin yung mga pinadama niya sa akin nung una, at mapapamahal ulit ako sa kanya :) Anyway, pasensya ka na talaga kung iniexpect mo na magpunta ako kung san ka man ngayon or something like that, para mapatunayan sa’yo na ikaw talaga, pero ngayon talaga, ang iniisip ko, ang acads ko, dahil kung bumagsak ako, hindi na ako makakalipat, hindi na ako malalapit sa iyo, at hindi ko na maipapatuloy ang mga pangarap ko na mag-aral sa mas gusto kong eskuwelahan, at gumraduate ng nakangiti sakin ang mga magulang ko (pakshet, sana makita ko silang nakangiti sa akin pag graduate ko *naluluha ako*). Ayun ang ayoko mangyari, double whammy pa kung magkataon, sira na nga ang lovelife, sira pa ang mga pangarap sa buhay. Kaya sana maintindihan mo. Ikaw pa rin naman ang #1. Hindi ako naghahanap ng pamalit. Sana lang talaga, ang hinihingi ko lang sa iyo ngayon, pang-unawa. Hindi lang para sa’yo itong mga ginagawa ko, para rin sa kinabukasan ko ‘to, sa mga kaibigan at sa pamilya ko. Maski nga yung tropa ko, sa tingin niya, wala talaga akong pakialam sa’yo. Nasabihan tuloy ako na nganganga lang daw ako. Pero mali siya. At sana makita niya ang ka-douchebag-an niya. It’s for his own good. I’m his friend. I do not wish him ill. I love him very much. Sana rin, hindi ka makahanap ng iba. Alam ko na ako ang tama para sa’yo. Natututo ako, lalo na kapag gusto ko itong ginagawa ko, ayan ang tandaan mo. Yung natitipuhan mo ngayon, hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero pakiramdam ko lang talaga na mas bagay tayo, na mas magiging masaya ka kung naging tayo kesa kung naging kayo :) Pag natapos ko ‘tong acads na ‘to, hahaha, kakayod at kakayod ako. Kung effort ang gusto mo, effort ang makukuha mo :) MRT-distance NALANG naman ang layo natin eh :) nila-LANG ko yan, kasi, napakalapit niyan. Napakalapit :) 20 minutes na nakatayo sa MRT, nako, hinding-hindi ako magsasawa na pumunta sa’yo. May time padin naman para makapag aral kung ganun :)
Anyway, sana patawarin mo na ako sa nakakairitang ginawa ko. Kahit tinype ko lang itong mga ‘to, tinype ko ‘to ng totoo. Pinipindot ko ang keys ng keyboard ayon talaga sa mga gusto kong sabihin sa’yo. Yang natitipuhan mo ngayon, put him on hold, he’ll meet his match. Ewan lang kung magiging match pa nya ako kung magkataon :P Hahaha :D Anyway, kung ayaw mo na naman talaga sa akin, MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG BINIGAY MO SA AKIN :) Tinuruan mo ako ng sobra tungkol sa pag-ibig. Sana magkita ulit tayo, ibubuhos ko na ang lahat for that one, final time. Ang hangad ko lang ay, hindi ka niya lolokohin. Hindi ka dapat lokohin. As for me, kapag nakita naman kita na masaya ka, masaya na rin ako. Pero, hindi na ako babalik sa’yo kung may mangyari mang masama at gusto mo akong makasama ulit, dahil hindi naman ako tanga, alam kong mas maganda pang istorya ang deserve ko kaysa maging pamahid mo lang. Sana rin, kung nangyari man iyon, ay matuto ka nang magpahalaga ng mga lalaking katulad ko, matuto kang mag-pahalaga ng mga taong talagang nagke-care sa’yo. Minsan lang talaga, we go overboard about caring, katulad nung nakakairitang nagawa ko. Look around, they’re everywhere. Ahm, I’m really proud of you :) I’m really relieved that you’re doing fine :) :*
Love,
eh….me :)
p.s. you have really nice parents :) treasure them :)
smile lagi :)